Pagbaon ng mga utility cables sa lupa, iginiit ng dalawang kongresista matapos bumagsak ng ilang poste ng kuryente sa Binondo

Iminungkahi nina Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera at Manila 3rd district Representative Joel Chua ang pagbabaon sa kalsada ng mga kable ng kuryente at iba pang utilities.

Giit ito nina Herrera at Chua matapos ang trahedya sa Binondo, Maynila kung saan bumagsak ang ilang poste ng kuryente kahapon kaya may mga nasaktan, napinsalang mga sasakyan at isinarang kalye.

Una ng inihain ni Herrera ang panukalang Nationwide Underground Cable System Act kaakibat ng kanyang rekomendasyon sa Department of Energy at National Electrification Administration na maglatag at magpatupad ng underground laying of electricity power lines at mga cables ng telcos at internet.


Hiling naman ni Congressman Chua sa mga engineers at economists bumuo ng feasibility study ukol sa pagbabaon ng utility cables lalo na sa bahagi ng Binondo at Quiapo sa halip na hayaan ang mga ito na nakaladlad o nakabitin.

Giit nina Representatives Herrera at Chua, mas ligtas ang ganitong paraan lalo na sa panahon ng pananalasa ng mga kalamidad sa bansa tulad ng mga bagyo.

Facebook Comments