Marawi City – Hindi na bago ang ginagawang pagbabarikada ng Maute Terror Group sa harap nang kanilang hideouts sa Marawi City.
Ayon kay Lt. Col. Emmanuel Garcia ng Joint Task Foce Marawi sa umpisa pa lamang ng gulo sa Marawi City ay agad na binarikadahan ng Maute Terror Group ang kanilang pinagtataguan.
Normal lamang daw na gawin ito ng Maute Terror Group dahil nagsasagawa ng pag-abante ang tropa ng pamahalaan.
Kasama nga daw sa binabarikadahan ng Maute maging ang mga tulay at ang mga ito ay hindi na bago.
Facebook Comments