Iligan City – Dismayado ang iilang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa lungsod ng Iligan sa pagbasura ng Commission on Appointment sa pagtatalaga bilang secretary ng DSWD si Judy Taguiwalo.
Naniniwala ang mga miyembro ng 4Ps sa lungsod sa kakayahan ni Taguiwalo bilang kalihim ng DSWD dahil sa maayos at maganda nitong pinatakbo ang ahensya ng gobyerno.
Isa din umano si Taguiwalo sa naging dahilan kung bakit dinadagdagan ni Presidente Rodrigo Duterte ng budget na pangbigas ang kada quarter na kanilang nakukuha galing sa DSWD.
Nakikita din ng mga 4Ps member ang agarang aksyon ni Taguiwalo sa pagbigay agad ng tulong sa mga lugar kung saan makakaranas ng kalamidad.
Kayat nanghihinayang ang mga 4Ps member sa Iligan kung bakit hindi na-aprubahan ng CA ang appointment ni Taguiwalo.