Pinuri at binati ni Senator Koko Pimentel ang Commission on Elections (Comelec) sa agarang pagbasura sa petisyon ng Philippine Development Plan (PDP) laban Cusi wing na muling pabuksan ang paghahain ng kandidatura para sa 2022 elections.
Diin ni Pimentel, ang nabanggit na petisyon ay walang basehan at mapanganib ang implikasyon.
Sabi ni Pimentel, umasa at magdasal na lang tayo na wala ng magtatangka uli para sa posibleng NO-EL (No Election) scenario.
ikinalugod din ni Senator Kiko Pangilinan ang pagbasura sa naturang petisyon.
Pero giit ni Pangilinan, kailangan pa rin na maging mapagbantay dahil ang tanging panlaban sa NO-EL ay ang dami ng taumbayan mismo na ang kagusutuhan ay matuloy na ang eleksyon.
Facebook Comments