Pagbasura ng DOE sa fuel reserve plan sa gitna ng Israel-Hamas war, kinuwestyon ng isang kongresista

Kinuwestyon ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang pagbasura ni Department of Energy o DOE Secretary Raphael Lotilla sa dalawang taon ng panukala na magtayo ng Strategic Petroleum Reserve o SPR para matugunan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng langis sa bansa.

Kontra si Villafuerte sa timing ng pagbasura sa harap ng pangambang muling tumaas ang presyo ng langis na maaring idulot ng giyera ngayon sa pagitan ng Israel at Hamas habang patuloy rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihn at inflation rate.

Hindi rin sang-ayon si Villafuerte sa katwiran ni Lotilla na mahal ang SPR at hindi direktang magpapababa sa presyo ng langis at hindi rin umaayon sa pagsulong ng gobyerno sa paggamit ng electric vehicle alinsunod sa “Electric Vehicle Industry Development Act.”


Nilinaw naman ni Villafuerte na suportado niya ang pagsulong ng pamahalaan sa green energy gamit ang E-vehicle.

Pero punto ni Villafuerte, maaari namang sabay na itaguyod ng gobyerno ang paggamit ng E-vehicle at SPR dahil pareho itong makakabuti sa mga mamimili.

Facebook Comments