Pagbasura ng DOJ sa mga kondisyon ni Quiboloy, kinatigan ni Pangulong Marcos

Kinatigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbasura ng Department of Justice (DOJ) sa mga ibinigay na kondisyon ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang ambush interview ng media, sinabi ni Pangulong Marcos na tila “tail wagging” ang ginagawa ni Quiboloy na siya pa ang nagbibigay ng kondisyon sa gobyerno para harapin niya ang kanyang mga kaso.

Ayon sa pangulo, hindi niya ito tinatanggap dahil wala sa posisyon ang pastor para gawin ito.


Samantala, sinabi naman ni Pangulong Marcos na hindi dapat ikabahala ni Quiboloy ang pangambang panghihimasok ng Estados Unidos sa mga kasong kinakaharap nito dito sa Pilipinas.

Tiniyak ng pangulo na magiging patas ang proseso ng batas para sa pastor at magpapakita sila ng compassion o malasakit dito.

Facebook Comments