
Binatikos ni Davao City 1st Rep. Paolo Duterte ang pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa hiling na interim release para sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Congressman Pulong, lalaban at aapela sila sa pasya ng ICC na “gross and disgraceful miscarriage of justice” na hindi batas, kundi “political theater.”
Diin ni Rep. Duterte, 80-anyos na ang kanyang ama, wala na sa kapangyarihan, biktima lang ng political persecution, at hindi maituturing na flight risk.
Sabi ni Duterte, minamahal ng taumbayan ang kanyang ama kaya nais itong manatili sa Pilpinas habang sya ay nabubuhay.
Nagbanta rin ang kongresista na pagbabayarin ang mga dumukot sa kanyang ama sa krimen na kanilang ginawa kasabwat ang Central Intelligence Agency (CIA).
Giit ni Rep. Pulong, ang walang basehang pagkulong ay hindi magpapatahimik kay FPRRD bagkus ay nakatutulong pa para ito ay maging martyr.
Nagpasalamat naman si Duterte sa walang sawang suporta ng mamamayang Pilipino.









