Pagbasura ng impeachment complaint ng Kamara laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista, ikinatuwa ng COMELEC official

Manila, Philippines – Naniniwala si COMELEC Chairman Andres Bautista na ang pagbusura ng Kamara ng impeachment complaint laban sa kanya ay mahalagang hakbang para linisin ang kanyang pangalan.

Ayon kay Bautista patunay lamang na umiiral pa rin ang hustisya sa bansa matapos na ibasura ng House Justice Committee ang impeachment complaint na inihain nina Atty. Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio.

Ginagalang umano niya ang proseso ng impeachment sa Kamara pero wala siyang balak na bumaba sa pwesto.


Paliwanag ni Bautista, nagagampanan pa naman umano niya ng maayos ang kanyang trabaho kaya hindi siya magbibitiw sa kanyang tungkulin.

Aniya bababa lamang umano siya sa pwesto kapag hindi na siya epektibo sa kanyang tungkulin bilang COMELEC Chairman.
Tumanggi naman si Bautista na magbigay ng komento na may kaugnayan sa problema nila ng kanya misis.

Facebook Comments