Pagbasura ng korte sa mosyon ni Senador Trillanes, inirerespeto ng Malacañang

Manila, Philippines – Iginagalang ng Palasyo ng Malacañang ang desisyon ng Korte na ibasura ang mosyon na inihain ni Senador Antonio Trillanes IV na humihiling na ipawalang bisa ang warrant of arrest laban sa kanya.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nagsimula na ang batas sa paghahabol kay Senador Trillanes.

Wala din aniyang ibang dapat sisihin ang Senador dahil siya naman ang lumikha ng kanyang sariling problema dahil wala aniya itong utang na loob sa Gobyernong nagpaaral sa kanya.


Nagbabala din si Panelo sa iba pang pinaaral ng Pamahalaan na dapat ay matakot sa mga nangyayari ngayon kay Trillanes at naghihikayat pa ng paglaban sa gobyerno at sa iba pang indibidwal na ginagamit ang kanilang political power upang hikayatin ang mamamayan na labanan ang mga otoridad.

Facebook Comments