Pagbasura ng korte sa petition ni Former Senator de Lima na makapagpyansa, ikinadismaya ng grupong Gabriela

Labis na ikinadismaya ni Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas ang pagbasura ng Muntinlupa Reginal Trial Court sa apela ni dating Senator Leila de Lima na makapagpyansa kaugnay sa nalalabi pa nitong kaso na may kinalaman sa ilegal na droga.

Ayon kay Brosas, mariin nilang kinokondena ang pag-uusig sa mga kritiko at lider ng oposisyon na walang takot na naninindigan kontra sa mga polisiya ng gobyerno na laban sa mga mahihirap.

Giit ni Brosas, malinaw naman na ang mga kasong isinampa kay De Lima ay bilang ganti sa pagiging kritiko nito sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa pag-iimbestiga niya sa umano’y mga extra judicial killings sa ilalim ng nakaraang administrasyon.


Tiniyak naman ni Brosas na anuman ang mangyari ay patuloy silang maninindigan ng may pagkakaisa para kay De Lima.

Sabi ni Brosas, patuloy nilang isusulong na mabigyan ng due process si De Lima at mabasura na ang mga nilutong kaso laban sa kanya.

Facebook Comments