Manila, Philippines – Dismayado ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa desisyon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa National Capital Region (NCR) na ibasura ang hiling na umento sa sahod.
Ayon kay TUCP President Raymond Democrito Mendoza – ipinapakita lamang ang pagkamanhid ng wage board sa kalagayan ng mga manggagawa at mga pamilya nito.
Giit ni Mendoza hindi makakamit ang isang competent at globally competitive workforce kung mayroong malnourished na labor force.
Ani Mendoza, ang kakayahan ng isang Pilipinong manggagawa na maging isang world-class talent at skills ay nasasayang kung ang kasalukuyan at susunod na henerasyon ng mga manggagawa ay kailangang magtiis sa gutom at hirap sa pagpapabuhay ng kanilang mga pamilya.
Matatandaang naghain ang TUCP ng petisyong daily wage increase na nasa ₱710 sa NCR mula sa kasalukuyang ₱537.