Isinantabi ng Supreme Court Third Division ang desisyon ng Sandiganbayan na may petsang April 7, 2017 at June 14, 2017 na nagbabasura sa kasong graft laban kay dating Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess E. Parojinog-Echavez at ang namayapang ama nito na si dating Mayor Reynaldo O. Parojinog Sr.
Sa labing-isang pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Diosdado Peralta, binigyan din ng tsansa ng Supreme Court ang prosecution na amyendahan ang “ information” sa kaso laban sa mag-amang Parohinog.
Wala rin nakita ang Korte Suprema na paglabag sa karapatan ng mga Parohinog para sa speedy disposition ng kaso.
May kinalaman ang kaso laban sa mag amang Parohinog sa Commission On Audit (COA) special audit report hinggil sa kuwestiyonableng pag-award sa kumpanya kung saan managing partner si Ex-Vice Mayor Parohinog-Echavez.
Partikular sa Parohinog and Sons Construction Company na nag-renovate sa multi-purpose building Ramirez Gymnasium sa Lam-an, Ozamiz City.
Otomatiko namang dismissed ang kaso laban sa nakatatandang Parohinog dahil namayapa na ito.