Pagbasura ng SC sa petisyon ni Senator De Lima, patunay na walang kinikilingan ang batas – kongresista

Manila, Philippines – Tinawag na tagumpay sa rule of law ang pagbasura ng Supreme Court sa petisyon ni Senator Leila de Lima na nagpapawalang bisa sa warrant of arrest laban sa kanya.

Ayon kay Kabayan Rep. Harry Roque, ipinapakita lamang ng desisyon ng SC na gumagana ang justice system ng bansa kahit pa sa mga nakapwesto sa gobyerno.

Patunay din aniya na kahit ang mga malalaking isda tulad ni De Lima ay mananagot sa kanyang mga ginawang paglabag sa batas.


Samantala, pinagsusumite naman agad ni Albay Rep. Edcel Lagman si De Lima ng matibay na motion for reconsideration upang mabaligtad ang pasya ng mga mahistrado ng high tribunal.

Si De Lima ay nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga kaugnay sa Bilibid Drug Trade.

Facebook Comments