Pagbasura sa 1989 UP-DND agreement, walang bisa ayon sa isang mambabatas

Walang bisa ang pagbasura sa 1989 University of the Philippines-Department of National Defense agreement.

Ito ang ipinunto ni Albay Rep. Edcel Lagman kasunod ng unilateral decision ng DND na ibasura ang kasunduan na nagbabawal sa state forces sa makapasok sa mga campuses ng UP.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni Lagman na walang bisa ang ginawang pagbasura ni DND Sec. Delfin Lorenzana sa UP-DND accord dahil isang partido lamang ang nagkansela nito.


Ayon sa mambabatas, walang basehan ang hakbang ng DND at ang pagsukol sa academic freedom ang talagang motibo rito.

Kahapon ay inihain ni Lagman sa Kamara ang House Resolution No. 1490 na naghihikayat sa House Committee on Human Rights na imbestigahan ang unilateral abrogation sa 1989 UP-DND agreement.

Facebook Comments