Pagbasura sa Anti-Terror Law, muling ipinanawagan ng grupong Bayan

PHOTO: Emman Mortega/DZXL News

Nagkasa ng kilos-protesta ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa labas ng Department of Justice (DOJ).

Ito’y upang hilingin sa DOJ partikular sa mga public prosecutors na ibasura ang mga kasong isinampa laban sa mga aktibista, human rights defenders, peace consultant at mga opisyal kasama ang mga miyembro ng militanteng grupo.

Bukod dito, nais rin nilang ibasura na ng tuluyan ang Anti-Terorrism Act of 2020 lalo na’t ginagamit lamang daw ito sa hindi maayos na paraan lalo na sa mga naglalabas ng hinaing kontra sa gobyerno.


Nabatid na sa datos ng human rights group na Karapatan, nasa 112 aktibista at kagrupo nila ang nakasuhan sa ilalim ng nasabing batas kung saan 32 ang nakulong at 32 ang binansagang terorista.

Umaasa sila na tutugon ang DOJ sa kanilang hinaing lalo na’t walang kinalaman ang mga naaresto sa gawaing terorista.

Ang nasabing aktibidad ng grupong Bayan ay kasabay ng ika-apat na taon na anibersaryo ng pagpapatupad ng Anti-Terror Law.

Facebook Comments