Pagbasura sa Electoral Protest ni dating Sen. Bongbong Marcos, hiniling ni VP Robredo sa PET

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat ibasura ng Korte Suprema, na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang Electoral Protest ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Ito’y matapos lumabas sa ballot recount sa tatlong pilot provinces na walang substantial recovery ng mga boto para kay Marcos.

Sa kanyang 215-pahinang memorandum, binigyang diin ng Bise Presidente ang agarang pagbasura sa protesta ni Marcos.


Sinabi ni Robredo, na may sapat na factual at legal basis para hindi na ipursige ang Electoral Protest.

Binanggit din ni Robredo na ang Election Protest ay dapat mabasura base sa rule 65 ng PET, kung saan magpapasya ang tribunal kung itutuloy ang Vice Presidential Protest base sa resulta ng initial recount ng mga boto sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Base sa desisyon ng PET nitong October 2019, lumabas na lamang si Robredo ng higit 15,000 boto mula kay Marcos sa Initial Recount.

Facebook Comments