
Isa si House Deputy Minority Leader at Akbayan Partylist Representative Perci Cendaña sa mga nagbunyi sa pagbasura ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber sa hirit na pansamantalang kalayaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Diin ni Cendaña, napapanahon para sa “Children’s Month” ang pasya ng ICC Appeals Chamber.
Ayon kay Cendaña, hustisya ito para sa mga batang sinasabing nasawi sa ilalim ng drug war, tulad nina Myca, 3 years old; Danica Mae, 5 years old; at Skyler, 4 years old.
Binanggit ni Cendaña na pabor din ito sa libo-libo pang biktima ng war on drugs.
Facebook Comments









