Pagbasura sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrido Duterte, inaasahan na ni Senate President Koko Pimentel

Manila, Philippines – Inaasahan na ni Senate President Koko Pimentel ang pagbasura ng House Committee on Justice sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrido Duterte.

Ayon kay Pimentel – ito ay dahil na rin mayorya ng mga kongresista ay kaalyado ng Duterte administration.

Aniya, dapat tandaan na ang impeachment ay isang political process.


Sa kabila nito, buo ang paniniwala ni Pimentel na may naging ligal na batayan ang pagbasura sa nabanggit na impeachment complaint laban sa pangulo at dapat itong irespeto.

Maging si Senate Majority Leader Sen. Tito Sotto ay kinatigan rin ang basehan ng House Committee on Justice sa pagbasuran sa impeachment complaint laban sa pangulo.

Nabatid na dahil sa pagbasura ng Kamara sa impeachment complaint laban kay Duterte, plano ngayon ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na dalhin ang kaso sa International Criminal Court.

 

Facebook Comments