Pagbasura sa kasong grave threats laban kay dating Pangulong Duterte, ikinabahala ng isang kongresista

Ikinabahala ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pagbasura ng Quezon City Prosecutor’s Office sa kasong grave threats na inihain ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dismayado si Brosas, na tila nagbulagbulagan ang Quezon City prosecutor kahit ang pagbabanta umano ni dating Pangulong Duterte sa buhay ni Congressoman Castro ay inihayag sa isang television show at kumalat din sa social media.

Nangangamba si Brosas, na ang nabanggit na desisyon ay magamit na batayan para magpatuloy ang walang pakundangang pagsasagawa ng red tagging, pananakot at pagbabanta sa buhay ng mga nagsusulong ng karapatang pantao.


Sa kabila nito ay tiniyak ni Brosas na hindi sila matitinag at patuloy silang maninindigan sa panig ni Rep. Castro at iba pang aktibista habang nananawagan ng hustisya at pananagutan.

Facebook Comments