Nagtungo sa Department of Justice (DOJ) ang abogado ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., upang maghain ng motion to dismiss.
Ito’y hinggil sa kinahaharap niyang kasong illegal possession of firearms and explosive.
Ayon sa abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, ito na ang huling hearing na kanilang dadaluhan para sa nabanggit na kaso.
Aniya, bukod sa ihahain na mosyon, igigiit din nila ang karapatan ni Teves na marinig ang panig nito kontra sa mga kinahaharap na reklamo o kaso.
Sinabi pa ni Topacio na ikinatuwa nila ang pagpayag ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na dumalo si Teves sa pagdinig na gagawin ng Senado virtually.
Ito na kasi ang pagkakataon para marinig ang paliwanag ng kongresista at paraan na rin para malinis ang kaniyang pangalan.
Panawagan pa ni Topacio, maiging tumahimik na rin muna ang mga nag-iimbestiga sa kaso habang patuloy pa ang imbestigasyon.