Para kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro, ang pagbasura sa lahat ng drug charges laban kay dating Senadora Leila De Lima ay maituturing din na tagumpay ng lahat ng mga inakusahan at ikinulong nang walang basehan sa ilalim ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Din ni Castro, “long overdue” o dapat ay noon pa ang pagpapawalang-sala kay De Lima.
Malinaw para kay Castro na nagkaroon ng pag-abuso sa ating justice system para sa interes na pampulitika.
Bunsod nito ay nanawagan si Castro na pabilisin ang pag-usad sa kaso ng iba pang mga naging biktima ng drug war na ikinasa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte lalo na ang mga nasawi.
Giit pa ni Castro, dapat ay mapanagot ang lahat ng mga opisyal na responsable sa pitong taon na pagkabilanggo ni De Lima dahil sa walang basehang mga akusasyon.