Pagbasura sa mga inihaing mosyon para itigil ang Anti-Terror Law, hiniling ng OSG

Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na ibasura ang mga inihaing mosyon na layong patigilin muna ang pag-iral ng bagong batas na Anti-Terrorism Act of 2020.

Sa isang pahayag, sinabi ng OSG na walang basehan ang mga alegasyon ng ilang grupo na nagsasabing maaaring abusuhin ang Anti-Terror Law at gamitin ito sa mga aktibista at kritiko ng pamahalaan.

Iginiit din ng OSG na ang bagong batas na ito ay layong protektahan ang publiko laban sa mga terorista at mga maaaring magdulot ng gulo sa bansa.


Matatandaang una nang nagpahayag si Vice President Leni Robredo ng pagtutol sa nasabing batas at hinikayat din niya ang publiko na kwestiyunin sa Korte Suprema kung naaayon ba ito sa konstitusyon.

Facebook Comments