Lalong magpapalala sa problema ng unemployment sa Pilipinas, dulot ng COVID-19 ang pagbasura ng house panel sa prangkisa ng ABS-CBN.
Ito ang pahayag ng Labor Coalition kasunod ng pagsasara ng ABS-CBN kung saan libu-libong mga empleyado ng network ang nanganganib ngayon na mawalan ng trabaho.
Ayon sa Nagkaisa Labor Coalition, dahil sa pagpatay ng Kamara sa prangkisa ng network ay tila pinatay na rin umano ng mga ito ang kabuhayan ng nasa 11,000 empleyado na tanging pinagkukunan para sa survival ng kanilang pamilya sa panahon ngayon ng pandemic.
Maliban dito, pinuna rin ng grupo ang umano’y “double attack” ng house laban sa freedom of expression at freedom of the press.
Giit ng Nagkaisa, matapos na aprubahan ang Anti-Terror Bill, ay ang ABS-CBN naman ang pinagkaitan ng prangkisa.