Pagbati at papuri ng mga kongresista, patuloy na bumubuhos para kay Carlos Yulo

Ibinida ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na isang ‘sports hero national treasure’ ang Pinoy gymnast na si Carlos Edriel Yulo na kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng dalawang gintong Olympic medal.

Labis namang hinangaan ni OFW Party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang hindi matatawarang pagsisikap, sipag at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

Para naman kay CIBAC Rep. Bro Eddie Villanueva ang tagumpay ni Yulo ay paalala ng pagpapala at pag-aangat ng panginoon sa Pilipinas kaya dapat itong magsulong ng pagkakaisa sa lahat ng mga Pilipino.


Sobrang masaya at proud naman si Manila 3rd district Joel Chua sa tagumpay ni Yulo na isa ring Manileño.

Umaasa naman si Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos na ang tagumpay ni Yulo ay magtutulak sa Senado na ipasa ang Grassroots Sports Bill na naipasa na sa Kamara.

Agad namang inihayag ni House Appropriations Committee at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co ang gatimpalang 3-milyong piso na ipagkakaloob ng Kamara kay Yulo.

Si Yulo ay kasama rin sa mga atletang kinatawan ng bansa sa Paris Olympics na pinagkalooban ng tulong pinansyal ng tanggapan ni Speaker Romualdez.

Facebook Comments