PAGBAWAL NA MANGISDA AT MALIGO SA KARAGATAN, NAKATAAS NA SA DAGUPAN CITY

Nakataas na ang pansamantalang pagbabawal na mangisda at maligo sa karagatan dahil sa bagyong Nando.
Nagbigay abiso ang lokal na pamahalaan sa mga mangingisda na pansamantalang tumigil muna sa paglaot dahil maaaring maging banta ang malalakas na alon at hanging dala ng bagyo.
Prayoridad ang kaligtasan kaya naman nakaalerto na rin ang CDRRMO Dagupan at nakikipag-ugnayan na rin sa mga barangay para sa agarang abiso at paghahanda sa posibleng hagupit ng bagyo.
Samantala, tuloy naman ang byahe ng mga motorboat drivers at ilang bangkero sa island barangay sa lungsod ngunit pansamantala rin ititigil sa oras na lumakas pa ang hangin at pag-uulan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments