Nakatakda pa lamang pag-usapan ng Department of Trade and Industry (DTI) kung ipagbabawal din ang pagpasok ng mga kargamento mula United Kingdom para maiwasang makapasok ang bagong strain ng coronavirus.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, wala pa silang natatalakay hinggil dito.
Aniya, wala naman silang natatanggap na anumang rekomendasyon mula sa Department of Health (DOH) at Bureau of Customs (BOC) para rito.
Matatandaang ipinag-utos na ni Pangulong Duterte na suspendihin ang lahat ng flights mula UK simula ngayong araw hanggang December 31.
Ang mga indibiduwal na manggagaling sa UK at dumating sa bansa bago ang December 24 ay kailangang sumailalim sa 14 na araw na quarantine sa Athlete’s Village sa New Clark City sa Capas, Tarlac anuman ang magiging resulta ng RT-PCR test,