Isinusulong ng pamunuan ng Department of Education o DepEd na babawasan nila ang mga requirement sa pagtanggap ng mga guidance counsels para mga paaralan ng bansa.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, layunin ito para mapunan ang kakulangan ng mga guidance counselor ng mga paaralan sa Pilipinas.
Aniya, pangunahing problema ay ang sahod ng mga guidance counselor na nagiging dahilan sa kakulangan ng supply ng mga ito.
Pahayag pa niya, karamihan sa mga nagtapos na may specialization sa guidance counseling ay pumupunta sa mga private schools o company dahil mataas ang sahod nito.
Nakikipag-usap na aniya ang DepEd sa Departement of Budget and Management o DBM at sa Civil Service Commission o CSC para mabawasan ang minimum requirement at taasan ang sahod ng mga papasok na guidance counselor sa mga pampublikong paaralan ng bansa.