Pagbawas sa bilang ng mga estudyanteng pumapasok sa mga classroom, pinag-aaralan ng DepEd

Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) na bawasan ang bilang ng mga estudyanteng pumapasok sa mga classroom ngayong darating ang pasukan bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ayon kay Education Spokesperson Annalyn Sevilla, ipina-panukala ng kagawaran na limitahan sa 15 hanggang 20 estudyante ang pwedeng pumasok sa mga classroom para masunod ang physical distancing.

Bahagi umano ito ng learning continuity plan na ipepresenta ng deped sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Mayo.


Matatandaang una nang inirekomenda ng alliance of concerned teachers na bawasan ang class sizes sa halip na magsagawa ng online classes, kung saan wala pa ring pinal na pasya ang Gobyerno tungkol dito.

Facebook Comments