Nagbaba ng kautusan ang Office of the President para sa pansamantalang pagbabawas sa rate ng import duty para sa natural gypsum at anhydrite na mga pangunahing raw materials para sa paggawa ng plasterboards at semento na ginagamit sa konstruksyon.
Batay sa Executive Order No. 46, layon ng hakbang na ito na i-revitalize at pataasin ang competitiveness ng plasterboard at cement industry sa bansa.
Makakatulong din ito sa pagsuporta sa housing at infra projects sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, walang mga operating mines ng natural gypsum at anhydrite sa bansa, at wala ring kapalit para sa mga nasabing produkto na magagamit para sa mga domestic producer ng mga plasterboard at semento.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Orders (EO) at magiging epektibo, 30 araw matapos mailathala sa mga pahayagan.
Mananatili itong epektibo sa loob ng limang taon at sasailalim sa annual review.