Pagbawas sa polusyon ng hangin sa Quezon City, reresolbahin ng QC LGU at C40 cities

Magtutulungan na ang C40 at Quezon City Government para magpatupad ng mga solusyon para mabawasan ang air pollution sa lungsod.

Ang air quality program ng C40 ay direktang sumusuporta sa mga lungsod upang mapabuti ang kalidad ng hangin sa pamamagitan ng knowledge sharing, pagbibigay ng technical assistance, capacity building at paglikha ng bagong resources para sa lungsod.

Isa ang Quezon City (QC) sa dalawang lungsod na napili para makiisa sa 2020-2021 C40 C40 Air Quality Technical Assistance Programme matapos ang ilang rounds ng evaluation sa 31 lungsod na inilapat sa programa.


Nakapaloob sa nilagdaang Memorandum of Understanding ng C40 at Quezon City na kapwa nila gagamitin ang kanilang resources para makamit ang layunin ng programa at masuportahan ang commitment ng lungsod sa ilalim ng C40 Clean Air Cities Declaration.

Facebook Comments