Pagbawi ng deployment ban sa health care workers, kailangan ng approval mula kay Pangulong Duterte – DOLE

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang proposal na bawiin ang temporary suspensyon sa deployment ng health care workers.

Pero nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na dadaan pa ito sa approval ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasahang magkakaroon ng desisyon ang Pangulo hinggil dito ngayong linggo.


Sinabi ni Bello na maraming health care workers ang makikinabang kapag binawi ang deployment ban.

Nasa 5,000 nurses o medical workers ang maaaring payagang umalis.

Pagtitiyak ng kalihim na agad na ipoproseso ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga kanilang mga papeles kapag naaprubahan na ng Pangulo ang rekomendasyon.

Facebook Comments