Pagbawi ng Kuwait ban para sa entry at worker visa, inaasahang magpapahusay sa labor relations sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas

Ikinatuwa ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo na makalipas ang isang mahigit isang taon ay binawi na ng gobyerno ng Kuwait ang ipinatupad nitong “ban” o pagbabawal sa pagbibigay ng entry visas at worker visas para sa mga Filipino.

Tiwala si Salo na magbubunga ito ng higit na mahusay na labor relations sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Binanggit ni Salo na base sa data ng Philippine Embassy ay nasa 245,000 ang Filipino workers ngayon sa Kuwait na mas mababa sa 268,000 Filipino workers bago ipatupad ng naturang “ban.”


This slideshow requires JavaScript.

Bunsod nito ay napag-abot ng lubos na pasasalamat si Salo sa Kuwait government gayundin sa Department of Migrant Workers, mga opisyal ng Philippine Embassy sa Kuwait sa pagtugon sa mga isyung nakakaapekto sa manggagawang Pilipino at kanilang mga employers sa Kuwait.

 

Kumpyansa si Salo na ang inilatag ng mga hakbang ng DMW at Philippine Embassy ay magbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Worker sa Kuwait.

Facebook Comments