Pagbawi ng naunang testimonya ni Kerwin Espinosa, walang magiging epekto sa mga nakabinbing kaso ni Sen. De Lima – Palasyo

Walang magiging epekto sa mga nakabinbing kasong kriminal laban kay Senador Leila de Lima ang pagbawi ni Kerwin Espinosa sa kanyang mga naging pahayag na nagdadawit sa senadora sa kalakaran ng iligal na droga.

Pahayag ito ni acting Presidential Spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar, kasunod ng isinumiteng counter affidavit ni Espinosa kung saan sinabi nito na ang mga naunang pahayag ay resulta lamang ng pananakot at intimidasyon sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ayon kay Andanar, malinaw na sinabi ng prosecutor general na hindi naman state witness si Espinosa sa criminal cases laban sa senadora kung kaya’t walang magiging epekto ang pagbawi nito sa kanyang sinumpaang salaysay.


Samantala, sa Laging Handa public press briefing sinabi naman ni Justice Usec. Adrian Sugay na posibleng maharap sa perjury si Espinosa dahil sa ginawa nitong recantation dahil under oath ang lahat ng kanyang mga salaysay.

Facebook Comments