Pinag-aaralan na ng Department of National Defense (DND) ang pagbawi ng dalawang bilyong downpayment ng Pilipinas sa 12-bilyong pisong chopper deal nito sa Russia
Ayon kay DND spokesperson Arsenio Andolong, binuhay nila muli ang DND Contract Termination and Review Committee (CTRC) upang pangasiwaan ang angkop na proseso sa pormal na pag-terminate ng kontrata ng naturang proyekto.
Nilinaw ni Andolong na 1.9 bilyong piso ang halaga ng inisyal na binayad ng gobyerno at sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng CTRC kung paano ito mababawi.
Nanuna nang sinabi ni Lorenzana na hindi niya tiyak kung makukuha pa ng Pilipinas ang ibinayad nitong 2 bilyong pisong inisyal na bayad noong Enero dahil ang bansa mismo ang nag-terminate ng kontrata.
Mababatid na kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang chopper deal sa Russia dahil sa banta na mapatawan ng sanctions ang Pilipinas bunsod ng Russia-Ukraine war.