Pagbawi ng state prosecutors sa MR sa pangalawang drug case ni Rep. De Lima, kinatigan ng korte

Kinatigan ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) ang pag-withdraw ng state prosecutors sa kanilang motion for reconsideration  sa acquittal ng pangalawang drug case ni Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima.

Sa September 30 order ni Muntinlupa City RTC Branch 204 Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara, sinabi nito na ikinukunsidera nang  “closed and terminated” ang kaso ni De Lima.

Una rito, hiniling sa korte ng panel of prosecutors na baliktarin ang pagkakabasura sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading laban sa mambabatas.

Umalma naman ang kampo ni De Lima at nagbanta itong idedemanda ang prosecution panel dahil sa   double jeopardy.

Facebook Comments