Nais bawiin ng Makabayan bloc ng Kamara ang aabot sa 10 bilyong pisong natapyas sa pondo ng mga state universities at colleges (SUCs) para sa taong 2023.
Ito ay matapos lumabas na sa National Expenditure Program ng Department of Budget and Management (DBM) na pinayagan lamang ang mga SUCs ng 93.325 bilyon pisong pondo mula sa 104.177 billion pesos na nakuha nito ngayong taon.
Ayon kay Caloocan City 2nd District Representative Mitzi Cajayon-Uy, magreresulta ito sa pagka-aberya ng mga nagpapatuloy na construction projects sa ilang SUCs.
Para naman kay ACT Teachers Party List Representative France Castro, ang pagtapyas sa pondo ng mga SUCs ay magreresulta rin sa pag-hire ng mga ito ng contractual non-teaching personnel imbes na magbigay ng plantilla positions sa kanila.
Ilan sa mga educational institutions na may pinakamalaking budget cuts ay ang mga sumusunod:
• Marikina Polytechnic College
• University of the Philippines System
• Don Mariano Marcos Memorial State University
• University of Northern Philippines
• Batanes State College
• Bulacan Agricultural State College
• Tarlac State University
• Batangas State University
• Cavite State University
• Marinduque State College
• Romblon State University
• Central Bicol State University of Agriculture
• Cebu Normal University
• Naval State University, na ngayon ay Biliran Province State University
• Basilan State College
• Bukidnon State University
• Davao Oriental State University
• University of Southern Philippines
• University of Southern Mindanao
• Mindanao State University