Pagbawi sa deployment ban ng health workers, ikokonsulta muna sa Pangulo

Hihintayin muna ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng apela na bawiin ang deployment ban sa mga health workers.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan pang konsultahin si Pangulong Duterte hinggil sa panawagang i-exempt ang nurses at iba pang medical workers na mayroon ng kontratang nilagdaan noong Agosto 28.

Paliwanag ni Roque, tanging ang health care workers na may existing employment contracts noong March 8, 2020 ang pinapayagan lamang na makaalis ng bansa.


Ang Pilipinas aniya bilang key exporter ng nurses at iba pang medical workers ay nagpapanatili ng reserve force ng medical workers para sa laban kontra COVID-19 pandemic.

Facebook Comments