Pagbawi sa deployment ban ng mga healthcare workers, inihirit ng FNU

Muling nanawagan ang grupo ng mga nurse sa gobyerno na bawiin na ang ipinataw na overseas deployment ban sa lahat ng healthcare workers sa bansa.

Ayon kay Filipino Nurses United (FNU) President Maristela Abenojar, maituturing na karapatan ng mga nurse na makapagtrabaho sa ibang bansa.

Habang giit pa ni Abenojar, maaaring umalis ng Pilipinas ang mga nurse dahil mayroon namang sapat na bilang ang mga ito.


Tinawag naman ni Abenojar ang ban na “unnecessary” at “unjust,” o hindi kinakailangan at hindi makatarungan dahil marami nang nurse ang nakapag-proseso ng mga dokumento.

Sa ngayon, tinatayang nasa 120,000 registered nurse ang hindi pa napabibilang sa employment records ng bansa batay sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Alinsunod ito sa database ng human resources bureau ng Department of Health (DOH), kung saan paliwanag ni POEA Administrator Bernard Olalia na nasa 602,000 nurse ang nakarehistro.

Facebook Comments