Umapela naman ang isang grupo sa Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) na kanselahin ang Environment Compliance Certificate o ECC ng Kaliwa Dam Project.
Giit ng Stop Kaliwa Dam Network, nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Environmental Management Bureau (EMB) ng DENR.
Hindi kasi inaksyunan ng EMB ang mga reklamo sa proyekto bago nag-isyu ng ECC.
Wala rin anilang nangyaring konsultasyon at endorsement mula sa infanta, Tanay LGU.
Sinabi naman ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Emmanuel Salamat, bukas sila na makipagdayalogo sa mga katutubo.
Facebook Comments