Pagbawi sa face shield policy, hindi pa napapahon – WHO

Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na hindi pa napapanahon para bawiin ang polisiyang pagsusuot ng face shield kasunod ng tumataas na COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, saka na lamang pag-usapan at planuhin ang mga pagbabago sa polisiya kapag nakokontrol na ang sitwasyon sa COVID sa bansa.

Aniya, ang pagsusuot ng face shield ay nagbibigay ng dagdag na proteksyon laban sa virus.


Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali siya noon sa pagsasabing huwag nang obligahin pa ang mga Pilipino na gumamit ng face shield.

Nagbago aniya ang kaniyang pananaw nang pumasok sa bansa ang Delta variant ng COVID-19 na mas nakahahawa.

Facebook Comments