
Mula sa apat ay tatlo na lang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na tinatalakay ngayon ng House Committee on Justice sa ilalim ng pamumuno ni Batangas Rep. Gerville Luistro.
Ito ay makaraang pormal na tanggapin ng komite ang pagbawi sa ikalawang reklamo laban kay VP Sara na inendorso nina Party-list Representatives Percival Cendaña ng Akbayan at Leila de Lima ng Mamamayang Liberal.
Bunsod nito ay inatasan ni Luistro ang mga complaints sa pangunguna ni Tindig Pilipinas Co- convenor Kiko Dee na panumpaan ang pagbawi ng kanilang reklamo laban sa ikalawang pangulo.
Sa ngayon ay isa-isang binibigyan ng pagkakatoan na maglahad ng sponsorship speech ang mga endorsers ng mga reklamo laban kay VP Sara.
Kabilang dito sina Representatives Antonio Tinio, Sarah Elago at Renee Co para sa unang impeachment complaint; Rep. De Lima sa ikatlong reklamo at sina Representatives Paolo Ortega at Benny Abante para sa ika-apat na impeachment complaint.










