Pagbawi sa martial law sa ilang probinsya sa Mindanao, pinag-aaralan na

Pinag-aaralan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na bawiin ang martial law sa ilang lugar sa Mindanao depende sa umiiral na peace and order situation.

Ayon kay DILG spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya – ang pag-aalis ng batas militar sa ilang probinsya ay nakasalalay sa joint assessment ng pulisya at militar sa communist at religious radical terrorists threat.

Kapag ipinasa na sa kanila ang assessment ay dito na sila gagawa ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa ngayon, hinihintay pa ng DILG ang recommendation ng mga awtoridad sa security situation sa Mindanao.

Matatandaang nagpasa ng resolusyon ang Davao City na humihiling sa Pangulo na bawiin ang martial law sa lungsod.

Facebook Comments