Pagbawi sa pilot implementation ng face-to-face classes sa Enero, kinumpirma ng DepEd

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) ang pagbawi sa pilot implementation ng face-to-face classes sa Enero.

Ito ay dahil sa banta ng bagong variant ng COVID-19 na kumakalat ngayon sa United Kingdom.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones na binawi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang inaprubahang pagsasagawa ng dry run ng face-to-face classes sa low risk areas.


Mananatiling suspendido ang face-to-face classes hanggang sa magkaroon ng panibagong abiso.

Handang makipagtulungan ang kagawaran sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagtugon nito sa sitwasyon.

Facebook Comments