Kailangan pang dumaan at aprubahan ng Senado ang panukalang bawiin ang legislative franchise ng Swara Sug Media Corporation, na nag-ooperate ng Sonshine Media Network International o SMNI.
Inihayag ito ni House Committee on Legislative Franchises Chairman at Paranaque City Rep. Gus Tambunting matapos na makapasa sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang House Bill number House Bill 9710 na bumabawi sa prangkisa ng SMNI.
Ayon kay Tambunting, kapag naipasa na ito ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ay dadalahin na nila ito sa Senado.
Samantala, iginagalang naman ni Tambunting ang panawagan ni Vice Pres. Sara Duterte na bigyan ng “fair trial” si Pastor Quiboloy.
Tiniyak ni Tambunting na patas ang kanilang pagdinig at nabigyan ng due process si Quiboloy at ang SMNI.