Pagbawi sa price cap sa manok at baboy, pinag-aaralan ng DA

Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang rekomendasyong bawiin ang price ceiling na ipinatutupad ng pamahalaan sa produktong baboy at manok.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, pag-aaralan nila kung pwede na bang irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang price cap.

Iginiit din ni Dar na sapat ang supply ng karneng baboy sa bansa habang bumababa na ang presyo nito.


Epektibo aniya ang ipinatupad na price cap.

Nabatid na ipinatupad ng 60-day price ceiling sa manok at baboy sa National Capital Region (NCR) na layong bawasan ang presyo ng agricultural commodity.

Sa ilalim nito, itinatakda ang 270 pesos kada kilo sa pork kasim at pigue, 300 pesos kada kilo sa pork liempo at 160 pesos kada kilo sa manok.

Facebook Comments