Pagbawi sa VFA, mananatili – Malacañang

Mananatili ang termination sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito ay sa kabila ng pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tuloy pa rin ang pagbasura sa kasunduan.


Sinabi ni Roque na ipinagpaliban ng isang taon ang pagpoproseso ng termination.

Hindi rin naniniwala si Roque na hindi kayang tumayo ni Pangulong Duterte sa foreign powers.

Nitong Pebrero, ipinag-utos ng Pangulo ang pagbasura sa VFA dahil sa panghihimasok ng Amerika sa internal affairs ng Pilipinas.

Facebook Comments