PAGBEBENTA AT PAGBILI NG SUBDIVIDED LOTS SA MANAOAG, PANSAMANTALANG SUSPENDIDO

Pansamantalang sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang pagbili at pagbebenta ng mga subdivided lots sa bayan habang isinasagawa ang pagtiyak na sumusunod sa mga umiiral na batas at regulasyon ang mga developer at may-ari ng lupa.

Ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan, kinakailangang makumpleto muna ang lahat ng kaukulang dokumento bago ipagpatuloy ang anumang transaksyon.

Kabilang dito ang Subdivision Plan, Preliminary Approval and Locational Clearance, Development Permit mula sa LGU, Certificate of Registration, at License to Sell mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Layunin ng hakbang na ito na maprotektahan ang publiko laban sa mga ilegal na bentahan ng lupa at matiyak na ligtas at maayos ang mga itinatayong proyekto.

Nagpaalala rin ang LGU na ang mga kung walang kaukulang Zoning Clearance at permit ay hindi papayagang magpatuloy sa konstruksyon at ang sinumang lalabag ay maaaring maharap sa multa o pagkakakulong alinsunod sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments