Napagkasunduan ng lahat ng mga alkalde ng Metro Manila na ipagbawal ang paputok ngayong holiday season.
Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Brig. Gen. Vicente Danao, batay sa pinag-kasunduan ng mga Metro Manila Mayors, bawal ang pagbebenta at paggamit ng anumang uri ng paputok sa Metro Manila.
Ang direktiba ay aprubado ng Metro Manila Council (MMC) noong nakaraang linggo pa at epektibo na ngayong araw.
Babala ni Danao, ang sinumang lalabag ay aabisuhang huwag nang ulitin ang paglabag.
Samantala, aaprubahan pa ng lokal na pamahalaan ang mga fireworks display sa mga itinakdang ligtas na lugar para sa kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon.
Facebook Comments