Para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang ₱29 Rice Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay isang mahalagang hakbang para matugunan ang pagkagutom sa bansa.
Pahayag ito ni Romualdez kasunod ng pagsisimula ng programa sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) kung saan mabibili ang ₱29 kada kilo ng bigas.
Kuwalipikadong makinabang dito ang mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mga senior citizens, persons with disabilities (PWD) at solo parents.
Umaasa si Romualdez na ang trial sites na 10 lugar sa Metro Manila at Bulacan ay madadagdagan pa sa mga susunod na araw hanggang makarating ito sa Visayas at Mindanao at matulungan ang 6.9 milyong pamilya sa buong bansa.
Diin ni romualdez, programa ay isa ring komprehensibong estratehiya ng pamahalaan para matugunan ang inflation at matiyak ang seguridad ng pagkain para sa mamamayang Pilipino.