Pagbebenta ng 28-K assets ng gobyerno, makatutulong para sa gastusin ng pamahalaan —DOF

Tiniyak ng Department of Finance (DOF) na ginagawa nila ang lahat upang magkaroon ng dagdag na pondo ang pamahalaan at mabawasan ang utang ng gobyerno.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, kabilang sa kanilang ginagawa ang pag-privatize o pagbebenta ng mga non-performing o yung mga hindi napakikinabangan at mga nakatengga na public assets.

Mas makatitipid aniya ang pamahalaan kung ididispatsa na ang mga ito dahil gumagastos pa rin tayo gaya ng para sa security at maintenance.


Tiniyak naman ng kalihim na mapupunta lahat ng kikitain sa mga priority programs at projects ng pamahalaan.

Bahagi rin daw ito ng suporta ng kagawaran sa pambansang budget upang masiguro na maayos ang takbo ng ekonomiya at makatipid sa mga gastusin.

Sa ilalim nito, ang Inter-agency Privatization Council at Privatization Management Office ang maglalatag ng presyo sa bawat asset.

Nasa 28,665 ang kasalukuyang non-performing assets na inilipat na sa Privatization Management Office para ibenta sa pribadong sektor.

Facebook Comments